Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga kabataang lalaki na makibahagi sa taunang Operation Libreng Tuli 2025, isang programang naglalayong magbigay ng libreng tuli para sa mga residente ng lungsod.
Narito ang iskedyul ng libreng tuli sa mga piling barangay:
Abril 28 – Taguig Integrated School, Covered Court (para sa mga kabataan mula sa Barangay Sta. Ana, Tuktukan, Wawa, at Bambang)
Abril 29 – Bagong Tanyag Integrated School (para sa Barangay Tanyag)
Abril 30 – Moreh Academy Covered Court (para sa Barangay Lower Bicutan)
Mayo 2 – West Rembo Elementary School (para sa mga Barangay West Rembo, East Rembo, at Post Proper Northside)
Mayo 3 – Pitogo Elementary School (para sa mga Barangay Pitogo, South Cembo, at Cembo)
Mahahalagang Paalala
Onsite Registration: Magsisimula ng alas-6:00 ng umaga.
Screening: Gaganapin mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Consent Form: Maaaring kunin sa inyong barangay. Siguraduhing maayos itong na-fill up at pirmado ng magulang o guardian.
Magulang/Guardian: Kailangang samahan ang batang sasailalim sa tuli.
Mga Dapat Tandaan para sa mga Tutulian
Maligo bago pumunta sa venue.
Kumain nang wasto bago sumailalim sa operasyon.
Magdala ng pansapin sa likod tulad ng lumang diyaryo o tela.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment