Ang pamahalaang lungsod ng Taguig, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), ay nag-aanyaya sa lahat ng mga estudyante, out-of-school youth, at dependents ng mga manggagawang nawalan o mawawalan ng trabaho na lumahok sa Special Program for Employment of Students (SPES). Ang programa ay naglalayong gawing produktibo ang oras ng kabataan at magbigay ng karagdagang pantustos sa kanilang pag-aaral.
Qualifications
✅ Edad 15-30 taong gulang
✅ Taunang kita ng pamilya na hindi lalagpas sa Php 144,360.00 (PSA, 2021)
✅ Walang bagsak na marka sa nakaraang at kasalukuyang semestre
Requirements
✅ Birth Certificate (original at photocopy)
✅ Isa sa mga sumusunod:
- Income Tax Return
- Certificate of Tax Exemption ng mga magulang
- Certificate of Indigency/Certificate of Low Income mula sa barangay o City Social Welfare and Development Office (CSWDO)
✅ Karagdagang mga dokumento:
- Para sa mga estudyante: class card o Form 138, o Sertipikasyon mula sa School Registrar na nagpapatunay ng pagkakapasa
- Para sa mga out-of-school youth (OSY): Sertipikasyon bilang OSY mula sa CSWDO o barangay
- Administrative Staff
- Animal Welfare Services Staff
- Creatives and Multimedia Staff
- Cultural Staff
- Education Administrative Staff
- Event Organizing Staff
- Legal Administrative Staff
- Media and Communications Staff
- Public Health Staff
- Registration Administrative Staff
- Risk Reduction Staff
- Sports Management Staff
- Youth Engagement Staff
Paano Mag-apply
Maaaring mag-apply at magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa Taguig Public Employment and Services Office (PESO) sa 3rd floor, PESO Taguig, Ballecer St., Brgy. Central Signal. Bukas ito mula 7am hanggang 4pm, Lunes-Biyernes.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, tumawag sa 8398-5411 o mag-email sa pesotaguiglgu@gmail.com.
Schedule of Application
Ang unang batch ng SPES ay magsisimula ngayong Hulyo 2024. Ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng Php 610.00 kada araw na allowance sa loob ng 20 araw, base sa itinalagang minimum wage ng DOLE sa NCR.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng SPES at magamit ang iyong libreng oras para sa produktibong aktibidad habang tinutustusan ang iyong pag-aaral!
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment