Ano ang GSIS Funeral Benefit?



Ang Funeral Benefit ay binibigay upang punan ang magiging gastos sa paglamay at libing ng isang yumaong miyembro, pensiyonado, o retirading kasapi ng GSIS. Ito ay ibibigay sa:


1. Legal na asawa;
2. Lehitimong anak na gumastos sa pagpapalibing; o
3. Kahit sinong tao na makakapagpatunay na sya ang gumastos sa pagpapalibing ng namatay ng kasapi.


Ibinibigay ang benepisyo pagkamatay ng:
1. Aktibong miyembro;
2. Miyembro na hiwalay sa serbisyo ng lagpas 15 taon at may karapatan makatangap ng separation o retirement benefits;
3. Retirado or maykapansanang pensiyonado;
4. Retirado na sa panahon ng kanyang pag retiro ay 60 taong gulang at may 20 taong pag serbisyo sa gobyerno at pinili mag retiro sa ilalim ng R.A. 1616 paglampas ng 24 Hunyo 1997; o
5. Miyembro na nag retiro sa ilalim ng R.A. 1616 bago ang 24 Hunyo 1997 at may hindi baba na 20 taong pagseserbisyo, kahit ano ang edad.

Nakatakda ang kasalukuyang Funeral Benefit sa Php 30,000.00. Para naman sa mga miyembro ng PNP, BJMP and BFP ito ay P10,000.00.

(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)

Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F (maliban kung holiday) mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-PM sa CELO FB Messenger para mag-request ng appointment.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment