Ibinabalik ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, ang Taguig Love Caravan, isang programa na naglalayong maiparating ang mga serbsiyong medical, dental, at wellness sa ating mga kababayang Taguigeño. Narito ang mga iskedyul para sa buwan ng Setyembre:


SETYEMBRE 6, 2022 - SAN MIGUEL
SETYEMBRE 7, 2022 - CENTRAL SIGNAL
SETYEMBRE 8, 2022 - FORT  BONIFACIO
SETYEMBRE 13, 2022 - CENTRAL BICUTAN
SETYEMBRE 14, 2022 - BAMBANG
SETYEMBRE 15, 2022 - MAHARLIKA
SETYEMBRE 20, 2022 - NORTH DAANGHARI
SETYEMBRE 21, 2022 - CALZADA
SETYEMBRE 22, 2022 - LIGID-TIPAS
SETYEMBRE 27, 2022 - TANYAG

Maaaring magpa-checkup, mapabunot ng ngipin at  magpagupit ng buhok ng libre sa Taguig Love Caravan.

Maaari ring matutong gumawa ng produktong pangkabuhayan sa ilalim ng programang ito, na first come, first served basis. 


Para sa MEDICAL at DENTAL Mission, narito ang ilang mga patakarang kinakailangang masunod ng kada benepisyaryo:

  • PAG 18 NA TAONG GULANG O PATAAS 
    • dapat fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot
    • may dalang vaccination card

  • PAG MENOR DE EDAD:
    • dapat nakatanggap ng kanilang 1ST dose o 2ND dose 
    • dapat kasama ang kanilang mga parents/guardians
    • may dalang vaccination card


Magsisimula ang registration para sa programa ng 7AM, habang ang mismong medical, dental, at wellness mission ay magsisimula ng 8AM. Ito ay magkakaroon ng  cutoff sa tanghali.
Ang serbisyong ito ay tatakbo mula ika-6 hanggang ika-27 ng Setyembre 2022. Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang bawat Taguigeño na dumayo sa kani-kanilang Taguig Love Caravan.

ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment