Simula Setyembre 19, 2024, pansamantalang isinara sa trapiko ang Bantayan Road sa Barangay Palingon, Taguig City.


Ayon sa isang karatulang inilagay sa kanto ng Bantayan Road at F. Manalo Street, ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas ng anumang sasakyan, maliban sa mga nagbibisikleta at pedestrian.


Ang pagsasara ng kalsada ay bahagi ng proyekto ng Manila Water na isinasagawa sa ilalim ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na kinabibilangan ng paglalagay ng mga bagong tubo ng tubig.


Ang bahagi ng proyekto ay ang paglalagay din ng mga tubo sa F. Manalo Street at Cayetano Boulevard, na inaasahang magdadala ng mas maayos na suplay ng tubig sa lugar.

Ang mga motorista ay pinapayuhang maghanap ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa kanilang biyahe habang nagpapatuloy ang konstruksyon.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

Post a Comment