Narito na ang pagkakataon para matuto ng mga bagong kaalaman sa pagproseso ng mga produktong agrikultural at by-products sa libre at espesyal na Livelihood Training na gaganapin sa iba’t ibang barangay sa Taguig.
Free Livelihood Training in Taguig
Sa ilalim ng programang ito, matututunan ng mga kalahok ang iba’t ibang pamamaraan ng pagproseso ng gulay, prutas, karne, isda, itlog, at marami pang iba na maaaring maging dagdag na pagkakakitaan. Ang mga detalye ng training ay ang mga sumusunod:
Schedule of Training
- August 9, 2024 (Biyernes), mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM sa Brgy. Calzada Barangay Hall
- August 16, 2024 (Biyernes), mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM sa Brgy. Palingon Barangay Hall
- August 23, 2024 (Biyernes), mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM sa North Daang Hari Barangay Hall
- August 30, 2024 (Biyernes), mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM sa New Lower Bicutan Barangay Hall
Ang training ay bukas para sa lahat ng residente ng Taguig City. Walang kinakailangang rehistrasyon at maaaring dumalo bilang walk-in, subalit limitado lamang ang mga slots kaya’t first come, first served ang magiging sistema.
Huwag palampasin ang oportunidad na ito na madagdagan ang iyong kaalaman at pagkakakitaan! Markahan na sa inyong mga kalendaryo ang mga petsang nabanggit at sali na sa libreng livelihood training na ito.
RELATED NEWS: Applications Now Open for TUPAD Program in Taguig City
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment