Si Jopay ay nag-apply bilang isang factory worker ngunit ang kanyang aplikasyon ay hindi tinanggap ng HR sa nasabing factory sa kadahilanang baka hindi nya makayanan ang trabaho sa factory dahil siya ay isang babae. Saan pwedeng i-reklamo ni Jopay ang naturang factory?
Hindi pinapayagan ng RA 9710 (The Magna Carta of Women) ang hindi pagtanggap ng isang tao bilang isang empleyado dahil siya ay isang babae kung wala namang sapat na dahilan ang isang kumpanya sa hindi pagtanggap nito. Ito ay maaaring ituring gender discrimination.
SI Jopay ay maaaring mag file ng complaint sa DOLE Regional or Field Office sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA).
Para sa mga Taguigeño, maaaring magpunta sa MUNTAPARLAS (Muntinlupa, Taguig, Paranaque, Las Pinas) Field Office na matatagpuan sa No. 263 Valenzuela Bldg., Alabang-Zapote Road, Pamplona,Las Pinas City.
(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)
Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-message sa aming FB Messenger para mag-request ng appointment.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number
Post a Comment