Sa pinagsama-samang pagsisikap ng mga Taguigueño, naging matagumpay ang simultaneous cleanup drive na isinagawa ngayong araw sa iba't ibang barangay sa lungsod.


Aktibong nakibahagi ang mga lingkod bayan ng Taguig sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, at mga konsehal ng lungsod ng Taguig upang hikayatin lalo ang bawat isa na gawin ang responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

Matapos ang gawain, makikita ang mas malinis na mga creek and drainage sa mga barangay. Ito ay dahil sa ipinamalas na pagtutulungan ng ating mga kababayan.


Layunin ng lokal na pamahalaan na hindi lang pang-isahang araw ang inisyatibong ito kundi long-term na programa kaya itinatag ang Task Force Flood Control sa bawat Barangay ng Taguig.

Ang proyektong ito ay pangunahing hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang sugpuin ang problema sa pagbaha sanhi ng mga baradong drainages dahil sa basura, dengue outbreaks at upang panatilihing malinis ang mga waterways sa lungsod.

Narito ang iba pang lugar na nakibahagi sa aktibidad:




















Balita mula sa I Love Taguig

ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment