Bilang panimula ng masiglang pagbabalik-eskwela ng kabataang Taguigeño, nagkaroon ng Flag Raising Ceremony at Ceremonial Turnover of School Supplies Package ngayong araw, ika-30 ng Agosto sa Silangan Elementary School, Brgy. Upper Bicutan. 


Personal na dumalo ang Punong Lungsod Lani Cayetano sa Flag Raising Ceremony at Ceremonial Turnover of School Supply Packages upang magbigay ng kanyang mensahe para sa mga guro at mag-aaral


Namigay ng school supplies package sa mahigit 5,100 na mag-aaral sa Silangan Elementary School.


Ang supply packages ay mayroong bag na naglalaman ng mga hygiene kit, mga notebook, ballpen, sapatos, uniporme, at iba pang mga kagamitan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. 

Naglalayong iparating ng lokal na pamahalaan ang mga dekalidad na programang pang-edukasyon upang maging abot-kamay ang mga pangarap ng mag-aaral sa Lungsod ng Taguig.

ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment