Matagumpay na inilunsad ngayong araw ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Hagonoy Gym, Taguig City nitong Lunes, May 20, 2024 sa pangunguna ni Taguig–Pateros Representative Ricardo "Ading" Cruz Jr.


Ang AKAP ay isang hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang mga mamamayang hindi kabilang sa pinakamahihirap na populasyon ngunit nangangailangan ng tulong dahil sa epekto ng mataas na inflation.


Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga minimum wage earners na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.


Sino ang Beneficiaries ng AKAP?

Ang pangunahing target ng AKAP ay ang mga minimum wage earners. Hindi sakop ng programa ang mga nakakatanggap na ng regular na tulong mula sa DSWD tulad ng 4Ps household beneficiaries at Indigent Senior Citizens.



Anong Assistance ang Maaaring Makukuha sa Ilalim ng AKAP?

Nagbibigay ang AKAP ng iba't ibang uri ng tulong upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga beneficiaries, kabilang ang:

Medical Assistance: Cash o guarantee letter (GL) para sa hospitalization expenses, gamot, medikal na paggamot, at iba pang medikal na pangangailangan.

Funeral Assistance: Cash o guarantee letter (GL) para sa mga gastusin sa libing, kabilang ang paghatid ng labi, interment, cremation, at burial site.

Cash Relief: Financial assistance para sa mga gastusin sa kuryente, tubig, o renta sa bahay na naapektuhan ng inflation.

Food Assistance: Tulong pinansyal upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at nutritional requirements ng beneficiaries.

Ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay isang hakbang patungo sa mas maayos at maasahang serbisyo publiko, na nagbibigay-daan sa mga kababayan nating naghihirap na maipagpatuloy ang kanilang pamumuhay ng may dignidad at pag-asa sa kabila ng mga hamon ng ekonomiya.



ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

Post a Comment