Mainit na sinalubong ni Mayor Lani Cayetano at ng buong Tenement community ang NBA star at Gilas Pilipinas Player na si Jordan Clarkson sa kanyang muling pagbisita ngayong araw sa Tenement Court, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Isa ang Tenement Court sa mga binisita ni Clarkson upang magsagawa ng outreach program sa mga kabataang tulad niya na malaki ang pagmamahal sa paglalaro ng basketball. 


Binigyan niya ang mga kabataan ng Tenement Basketball Team ng t-shirts, basketball shoes at mga pirmadong bola ng basketball. Nagkaroon din ng basketball clinic kasama ang iba pang manlalaro ng Gilas Pilipinas.


Nagpaabot naman ng matinding pasasalamat ang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Lani sa walang humpay na pagmamahal at pagbibigay ng inspirasyon ni Clarkson sa ating mga kabataang manlalaro lalo na ang mga taga-Tenement na ilang beses na niyang binibisita.

“I would like to express our heartfelt gratitude to Jordan Clarkson, his family, his team. His presence here today will surely inspire young dreamers, young athletes with the best that they can be,” ani Mayor Lani.

Hindi maikakaila sa mga mukha ng mga kabataan ng Tenement Basketball Team ang tuwa nang masilayan nila si Clarkson at ang ilan ay nagpa-selfie pa.


“Masaya po. Nakaka-inspire. Salamat po kasi nagpunta ‘yung sikat na basketbolista at binigyan niya kami ng mga ‘to,” pasasalamat ng isa sa mga kabataan ng Tenement Basketball Team na si Carl Miguel Versoza.

Nagkaroon din ng palitan ng basketball jersey sa pagitan nina Mayor Lani at Clarkson. Ito ay tanda ng pagkakaisa para sa hangaring pagyamanin pa ang basketball at suporta sa mga manlalaro nito.


Hangad ng Lungsod ng Taguig ang pagpupunyagi ng mga atletang Pilipino tulad ni Clarkson.

“We wish Clarkson all the very best and please know that Taguig City particularly Tenement will be praying and cheering for your continued success,” dagdag pa ni Mayor Lani.


Kasama ang Lungsod ng Taguig sa pagsuporta at pananalangin ng tagumpay para kay Clarkson at sa buong Gilas Pilipinas sa kanilang laro sa FIBA World Cup 2022.

Pangatlong pagbisita na ito ni Clarkson sa nasabing basketball court na sinisiguro niya na mapuntahan tuwing siya ay uuwi sa bansa. Ang Tenement Court ay palagian ring binibisita ng mga sikat na basketball stars kabilang na si Lebron James na nagtungo dito noong 2015. 


Kabilang ang larong basketball, tuloy-tuloy pa rin ang sagupaan ng mga kabataang Taguigeño sa ating Taguig Games 2022. Suportahan ang inyong mga pambato at magkita-kita tayo sa nalalapit na finals!

ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment