Sisimulan ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ang pamamahagi ng emergency relief assistance mula sa Pamahalaang Nasyonal. Narito ang mga dapat tandaan:

1. Ang distribusyon ng emergency relief assistance ay batay sa nakatakdang prayoridad ng Joint Memorandum Circular No. 1 ng DSWD, DILG, at DND. Ayon sa kautusan mauuna ang:

a.) Beneficiaries ng Social Amelioration Program sa ilalim ng
Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency
subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2;

b.) SAP wait-listed beneficiaries;

c.) Mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga
low-income individuals na walang kasama, PWDs, solo
parents at iba pa;

d.) Iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ng
LGU kung meron pang natitirang pondo.

2. Alinsunod sa direktiba ng pamahalaang nasyonal, ang emergency assistance ay nagkakahalaga ng P1,000 bawat tao ngunit hindi lalagpas sa P4,000 bawat pamilya na may apat na miyembro pataas.

3. Ipapaskil sa inyong barangay website, barangay social media page at barangay hall ang listahan ng mga kwalipikadong benipisyaryo ng emergency relief assistance. Muli, uunahin ang SAP-registered recipients.


4. May nakatakdang iskedyul ang inyong pagkuha ng emergency relief assistance. Kung maaari ay sundin ang inyong nakatakdang schedule at oras. Magdala ng ID bilang katibayan ng inyong pagkakakilanlan.

5. Panatilihin ang minimum health standards: Magsuot ng face mask at face shield at alalahaning mag social distancing.

Narito ang nakatakdang schedule ng distribusyon ng ayuda sa mga SAP beneficiaries. Ang listahan ay ipapaskil ng inyong barangay bago ang takdang araw ng distribusyon:
Loading...

April 7
- Ligid-Tipas - Tipas Elementary School Main
- North Daang Hari  - Upper Bicutan Elementary School

April 8
- Tuktukan - Taguig Integrated School
- Fort Bonifacio - Gat Andres Bonifacio Elementary School

April 10
-  Ususan - Ususan Elementary School
- Bambang - Taguig Integrated School
- Katuparan - Diosdado Macapagal High School
- South Signal - Signal Village National High School

April 11
- Wawa - Taguig Integrated School
- Tanyag - Bagong Tanyag Integrated School
- Calzada - Tipas Elementary School (Main)
- Central Bicutan - Upper Bicutan Elementary School

April 12
- Bagumbayan - CP Sta. Teresa Elementary School
- Sta. Ana - Taguig Integrated School
- Central Signal - Signal Village National High School
- Upper Bicutan - Upper Bicutan Elementary School

April 13
- Lower Bicutan - RP Cruz Elementary School
- Palingon - Tipas Elementary School
- North Signal - Signal Village National High School
- Maharlika - Silangan Elementary School

April 14
- Napindan - Napindan Integrated School
- Hagonoy - CP Tinga Elementary School
- Pinagsama - Kapt. Eddie Reyes Integrated School
- South Daang Hari - Bagong Tanyag Elementary School (Annex A)

April 15
- Ibayo - Tipas Elementary School
- New Lower Bicutan - RP Cruz Elementary School
- Western Bicutan - Tenement Elementary School
- San Miguel - EC Santos Elementary School

Antabayanan ang mga susunod na anunsiyo patungkol sa mga susunod na iskedyul ng mga kwalipikadong benepisyaryo.


ALSO IN TAGUIG


WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com

IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...