Bakit nga ba "Waterfun" ang tawag sa lugar na ito na makikita sa Taguig?

Kung matagal ka ng naninirahan sa Taguig lalo na kung madalas kang mapadaan sa C5, ay tiyak na madalas mong marinig ang lugar na ito na sakop ng Barangay Pinagsama. 

Sa bungad mismo ng Cuasay Street o MRT Ave. noon ay makikita ang mga letrang W-A-T-E-R-F-U-N kasama ang mga numero sa ibaba nito.

RELATED: Ano ba ang ibig sabihin ng PAE?

Ang nasabing karatula o palatandaan ay isang ads para sa isang sikat na resort noong 1990s sa Santa Mesa, Manila na tinawag na Water Fun Resort.

Naging matunog nga ang pangalang ito sa kalakhang Maynila at inakala ng marami na magtatayo ang naturang resort ng isa pang branch nito sa Taguig kung saan nga ay nakatayo ang karatulang dala ang pangalan nito.

Hindi nagtagal ay nagsara ang Water Fun Resort at naiwan din ang isa pang abandunado nitong branch sa may Sucat sa Paranaque.

Loading...

Ilang establisyemento dito ay ipinangalan na rin sa Waterfun

Sa ngayon ay wala na ang mismong karatula pero naiwan sa marami ang "Waterfun" bilang isang palatandaan sa lugar na ito sa Taguig.

ALSO IN TAGUIG


Klook.com

IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post
Loading...