Usap-usapan ngayon ang ipinamimigay na cash aid o pinansyal na ayuda mula sa pamahalaang nasyonal sa bawat lungsod at bayan na sakop ng umiiral na Enhanced Community Quarantine hanggang Agosto 20.

Marami ang umaalma at nagrereklamo sa social media dahil sa 'hindi patas' na batayan ng paglista ng mga benepisyaryo ng nasabing ayuda bawat barangay. 

Sa Taguig ay patuloy ang pagsasa-publiko ng mga listahang ito ng bawat nasasakupang barangay. Araw-araw din ang schedule ng pagdi-distribute ng ayuda. 
Gaya ito ng mga nangyari noong mga naunang SAP, TAP at ERA distribution. Marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaang nasyonal o sa lokal na pamahalaan. 

Loading...
Nitong Sabado lang ay ilang concerned Taguigeños ang nakapansin ng post ng Brgy. Santa Ana kung saan makikita ang TATLONG (3) pahina ng mga pangalan na may apelyidong 'Cruz'. 

Bukod dito ay nag-trending din ang post ng Lungsod ng Muntinlupa kung saan makikita ang isang pahinang puno ng parehong apelyidong 'Alipit'.

Hindi tuloy maiwasang maisip ng mga mamamayan ang hindi patas na pamamahagi ng ayuda sa mga lungsod o barangay. Nakakalungkot isipin na may mga pamilyang nakailang beses nang nakatanggap nito at mayroong mga hindi kailanman nakakuha ni piso sa anumang pamahalaan. 

Ano ang masasabi mo dito? I-comment ang inyong opinyon sa baba. 

ALSO IN TAGUIG


WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post
Loading...