Taguig City's House-to-House Distribution of Stay-at-Home Family Food Packs

Nakatanggap ang mga pamilya mula sa Barangay Tanyag ng kani-kanilang stay-at-home family food packs matapos ianunsyo ng IATF na isasailalim ang buong Metro Manila kabilang ang Taguig, pati ang mga kalapit na mga probinsya sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula March 29 hanggang April 4, 2021.


Sabay-sabay na inikutan ngayong araw ang lahat ng mga barangay sa lungsod upang ibigay ang mga food pack. Sa tulong ng Barangay Affairs Office ay naipapaabot na sa mga residente ang food packs na naglalaman ng:

-Bigas
-Canned goods
-Coffee
-Energy drink

Hygiene kit at anti-Covid Kit
-Face mask
-Face shield
-Alcohol
-Soap
-Toothbrush
-Toothpaste
-Shampoo

Loading...

Ang family food pack na ito ay sapat para sa 3-4 na araw para sa pamilya na may 5 miyembro. Isa ito sa mga inisyatibo ng lungsod upang hindi na kailanganin pang lumabas ng bahay mga tao upang bumili ng mga supplies.

Sinisiguro naman ng lokal na pamahalaan na magtutuloy-tuloy ang pamimigay ng food packs kahit matapos na ang tinakdang panahon ng ECQ hanggang ang lahat ng pamilyang Taguigeño ay makatanggap ng kanilang Stay-at-Home food packs.

ALSO IN TAGUIG


WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com

IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post
Loading...