Matapos i-anunsyo ng Malacanang ang isasagawang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus ay isa namang magandang balita ang hatid ng Taguig LGU para sa lahat ng Taguigeno.

Isang anunsyo ang ibinahagi ng opisyal na Facebook page ng Taguig, "kahapon inanunsyo ng IATF na isasailalim tayo sa ECQ simula Lunes, Marso 29,  hanggang Linggo, Abril 4. Ang isang linggong ECQ ay naglalayong magpababa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR Plus at mahinto ang mabilis na pagkapuno ng mga ospital dito.

Ang NCR Plus ay magkakaroon ng iisang patakaran hinggil sa ECQ. Ang patakaran ay mula sa IATF at aprubado ng ating Pangulo.

Naghahanda ang inyong pamahalaang lungsod para matiyak na maayos ang pagpapatupad ng ECQ.  Huwag matakot o mangamba.

Muling magbabahagi ang inyong pamahalaang lungsod ng Stay-at-Home Food Packs sa bawat pamilyang Taguigeño. Magtutuloy tuloy ang ating pamimigay ng food packs kahit matapos na ang tinakdang panahon ng ECQ.

Kung maari ay pakihintay lamang sa inyong mga tahanan ang mga kawani na magbabahay-bahay para ihatid ang inyong food packs. Hindi madali ang ganitong gawain kaya hinihingi namin ang inyong pasensya at pang-unawa."

Loading...
Narito ang buong mensahe:

Matatandaang isa ang Taguig sa mga lungsod na namigay ng food packs sa kasagsagan ng malawakang lockdown sa buong Luzon noong nakaraang taon.

ALSO IN TAGUIG


WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com

IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...