TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATES

July 05, 2020

Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 112 na bagong CONFIRMED cases. Ito ay mula sa Bambang, Calzada, Central Bicutan, Central Signal, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, North Daang Hari, North Signal, Palingon, Pinagsama, South Signal, Upper Bicutan at Western Bicutan.

Source: I Love Taguig
Ang kabuuang numero ng confirmed cases sa Taguig ay 1086

Sa kabuuan, simula January 27 hanggang ngayon July 05, 2020, mayroon ng 3,753 na SUSPECT COVID-19 cases, 23 deaths at 167 recoveries sa lungsod.

Ang Taguig City government ay patuloy na sinisiguro na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.



Inilunsad sa Taguig ang SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.

Maaaring makapag sagot ng self-assessment form sa www.taguiginfo.com o tumawag sa COVID hotline at mga health centers.

Patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Loading...

Hinihingi po ng Taguig City government ang kooperasyon ng bawat isa para masubaybayan lahat ng kaso at mapigilan ang pagdami pa ng mga COVID-19 cases.

Para sa mga katanungan o concern, tawagan ang Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.

Mag-bayanihan po tayo para labanan ang COVID-19.

Ang Pilipinas naman ay nagtala ng 2,434 bagong kaso ng nasabing sakit kaya umabot na sa 44,254 ang kabuuang tala ng kaso sa bansa.

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com

ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...