TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATES

July 27, 2020

Ikinagagalak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na i-report ang 506 recoveries sa dalawang lugar sa lungsod na isinailalim sa localized quarantine. Walang naiulat na nasawi at wala nang active cases ng COVID-19 sa lugar.

Ang 100 percent recovery rate na ito sa mga kaso mula sa BGC Construction Site at sa Purok 5 at 6 sa Lower Bicutan ay patunah lamang sa magandang ginagawa ng pamahalaang lungsod tulad ng agresibong testing at komprehensibong mga plano upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Sa 1,990 na confirmed cases sa Taguig, 1,739 o 87.3 percent sa mga kasong ito ay recovered patients na. Ang bilang na ito ay naisaayos at naitala ayon sa mga bagong patakaran ng Department of Health.

Nakapagtala ang Taguig ng 31 na bagong CONFIRMED CASES kahapon. Ang mga bagong kaso ay mula sa Bagumbayan (1), Bambang (3), Hagonoy (1), Ibayo-Tipas (1), Ligid-Tipas (1), Lower Bicutan (1), Palingon-Tipas (2), Sta. Ana (2), Ususan (3), Central Bicutan (6), Central Signal (1), Katuparan (2), Pinagsama (3), South Signal (2), Tanyag (1), at Upper Bicutan (1). Habang ang bilang naman ng mga active cases sa lungsod sa ngayon 224.


Samantala, ang iba pang recoveries ay patuloy na mino-monitor ang bilang at inaasahan na magkakaroon ng updates sa susunod na mga araw.


Loading...

Sa kabuuan, simula January 27 hanggang ngayon July 27, 2020, nakapagsagawa na ang lungsod ng 23,169 PCR tests*, at nakapagtala na ng 1,990 confirmed cases, habang 224 ang active cases, 27 deaths, at 1,739 recoveries sa lungsod.

*Ang bilang ng isinagawang tests rito ay PCR Tests lamang. Hindi na isinama ang mga isinagawang Rapid Tests ng lokal na pamahalaan dahil ang mga resulta ng Rapid Tests ay kinakailangan pa ng Confirmatory tests.

Inilunsad sa Taguig ang SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.

Maaaring makapag sagot ng self-assessment form sa www.taguiginfo.com o tumawag sa COVID hotline at mga health centers.

Patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Hinihingi po ng Taguig City government ang kooperasyon ng bawat isa para masubaybayan lahat ng kaso at mapigilan ang pagdami pa ng mga COVID-19 cases.

Para sa mga katanungan o concern, tawagan ang Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.

ALSO IN TAGUIG


WHERE TO EAT IN TAGUIG?

Get a ₱166.3 discount after you sign up with Klook
Klook.com

IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...