Isang larawan ang nagpapakita ng mga taong nakapila upang mabigyan ng gate pass sa nasabing lugar sa Taguig.


Sumbong ng isang concerned Taguigeno:

Loading...

sa amin po dto sa centennial village brgy western bicutan po. ng patupad ang kawani ng barangay nang no gatepass no entry o id. imbis na mag bahay bahay sila dto para maiwasan ang pag kumpol kumpol sa pila. ehh dinaman nila ginawa.. ang ginawa nila pinababa at pinalabas ng bahay at pinapila sa knilang outpost para kumuha ng ng gate pass sa kabila ng pinatupad ni mayor lino cayetano na lockdown dis oras ng gabi nakapila padin kami. at ito pa sabi my mandatory tayong sinusunod na oras dapat 8pm nasaloob na ng bahay pero kami nakapila padin.. sana maaksyonan po dto saamin at masabihan ang mga tanod o mga kawani ng barangay na sundin ang tamang proseso ng quarantine at social dintance.. at please lang po dapat di kami sinisigawan kasi tao kami na kinakausap nya at hinpo hayop. yung lang po salamat.

Agad naman daw itong inaksyunan ng nasabing barangay.
HINDI KAILANMAN NAGBIGAY UTOS SI Kap. @Perlita Carmen na magpapila ng mga tao sa labas. Ang pangyayari sa Centennial ay kusa at inisyatibo ng extended leader. 
Agad natin pinagsabihan ang EXTENDED LEADER na itigil ang aktibidad nila na pagpapalabas ng tao para sa gatepass na inisyatibo ng naturang leader. 
Ito ay nagsisilbing babala na rin sa lahat ng extended leaders at asosasyon sa barangay na ipaalam ang anumang aktibidad para sa mamamayab bago ito gawin. 
Mas makakabuti na ipamigay na lang sa kanya kanyang bahay ang gatepass sa halip na magpapila upang maiwasan makahawa o mahawa. 
Addendum: Nabalitaan din na nagpapapila ang isang BIEN PEREZ sa PNR, ito ay pinarating na sa kinauukulan. 
Ang social distancing ay isinusulong ng Taguig City upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.
Ang lungsod ng Taguig ay kasalukuyang nasa ilalim ng city-wide lockdown.

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...