Iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino sa ating Lungsod ng Taguig ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2018
, Antas lV —isa sa pinakamataas na antas na binibigay ng Komisyon— sa isang seremonya na ginanap sa Pambansang Museo Auditorium noong ika-30 ng Agosto, 2019.

Masayang tinanggap nina Atty. Paciano Fallar, G. Henry Vega at Atty Alen Fred Hilario ang nasabing parangal na nakamit dahil pagsisikap ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Lino Cayetano at sa suporta ng ating butihing kongresista ng unang distrito ng Taguig at House Speaker Alan Peter Cayetano na residente ng Barangay Bagumbayan.
Ang prestihiyosong parangal na ito —na hindi lamang nilahukan ng mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas kung hindi pati na rin ng mga nasyonal na kagawaran ng gobyerno—ay bunga ng paggamit ng Filipino ng lungsod ng Taguig sa mga karatula, korespondiya, pabatid-publiko, pormularyo para sa mga kliyente, at sa social media site na I Love Taguig.

Gayundin ang Gabay ng Mamamayan na nakasalin sa wikang Filipino na matatagpuan sa lahat ng opisina at ang regular na pagsasailalim sa pagsasanay at pagpapahusay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng kanilang kaalamang wika.


Loading...

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...