Kapaligiran mo'y linisin upang Dengue ay puksain!


Inaanyayahan po ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang lahat ng Taguigeño na makiisa sa malawakang clean-up drive ng probinsyudad na gaganapin araw-araw sa pagsapit ng alas-4 ng hapon.

Sisimulan po ito ng Dengue Cleanup Drive bukas ng alas-4 hapon sa lahat ng barangay at komunidad ng Taguig, public schools, health centers, Super Health Centers, Taguig-Pateros District Hospital, barangay halls, City Hall at lahat ng opisina ng gobyerno sa lungsod.

Tulung-tulong po nating isagawa ang clean-up drive na siyang magiging daan upang malinis natin ang mga lugar na maaring pinamumugaran ng lamok na siyang nagdadala ng sakit na dengue sa ating komunidad.

Ating pong pagkatandaan na ang dengue ay maaring MAIWASAN sa pamamagitan ng PAGLILINIS NG ATING KAPALIGIRAN at PAGSASAGAWA NG 4-S na ang ibig sabihin ay “Search and destroy” sa mga lugar kung saan nangingitlog ang mga lamok, gumamit ng “Self-protection measures” (gaya ng pagsuot ng pantalon at damit na may mahabang manggas, o paggamit ng mosquito repellent), “Seek early consultation” o agarang pagpapakonsulta sa doktor kung nakakaramdam ng sintomas ng dengue, at “Support fogging/spraying” lalo na sa mga "hotspot areas" kung saan tumataaas ang naitatalang kaso ng dengue sa loob ng dalawang magkakasunod na linggo upang maiwasan ang outbreak.

Sama-sama nating panatilihing #HealthyCity ang ating mahal na lungsod para sa bawat residente.


Tara na't mag Deng-GET OUT, mga Taguigeño!


#HealthyCity
#ilovetaguig



Loading...

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...