Pinasinayaan ng Taguig City ang ilang mga programa upang higit pang mapagsilbihan ang mga mamamayan ng Barangay Maharlika!


Sunud-sunod na binuksan ang Maharlika Barangay Hall, Bandara Day Care Center at Maharlika Covered Court.

Ang bagong Barangay Hall ay may tatlong palapag. Sa una, makikita ang Cashier, Treasury and Admin Office at Staff Room. Sa ikalawa, naroon ang opisina ng Brgy. Captain at Security Room. Sa pinakamataas na palapag ang Conference Room. Air-conditioned at fully-furnished ang buong gusali.

Ang Bandara Day Care ay isang makabagong gusali din na may silid-aralan na puno na libro at iba pang learning materials, kusina at banyo. Lahat ng gamit ay handog na ng City Hall. Katabi din ng Day Care Center ang isang playground para sa mga bata.

Samantala, ang Maharlika Basketball Court sa harap lamang ng Day Care Center ay inayos at pinaganda. Mayroon ding ilaw upang makapaglaro ang mga residente kahit gabi.

Lahat ng ito ay salamin lamang ng misyon ng siyudad na pag-ibayuhin ang serbisyo-publiko. Layon niyong pagbutihin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa Barangay Maharlika.

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...