Ngayong araw ay binuksan ng Taguig-Pateros District Hospital ang ilan nanamang pasilidad na magpapaigting pa ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Taguig at Pateros.

Pinasinayaan ang TPDH Outpatient Department. Laman nito ang mga sumusunod na klinika at pasilidad:

• Triage
• Records Room
• Medicine Department - Internal medicine, cardiology, endocrinology, dermatology, gastroenterolgy, infectious disease, neurology
• Pediatrics Department - Breastfeeding area
• ECG Room
• Breast Wellness and Cancer Clinic
• OB-Gyne Department - Family Planning, Perinatology
• Surgery Department - Opthalmology, Otolaryngology, Urology, Orthopedic Surgery
• Minor Surgery Complex
• Dental Clinic
• Pharmacy
• Central Sterilizing and Supply Room
• Linen Room
• Dietary/Kitchen


Loading...
Sabay din binuksan ang Physical Medicine and Rehabilitation Unit. Dito isasagawa ang gamutan sa mga pasyenteng nais ibalik o pabutihin ang kakayahang kumilos. Kasama sa mga kliente nito ang mga nagdaan sa stroke, mga pinsala sa leeg at likod, at mga taong may sports injury. Sa pasilidad na ito, mayroong:

• Therapeutic Ultrasound
• Nerve Stimulator
• Digital Paraffin Wax Bath
• Parallel bars
• Overhead pulley
• Finger ladder
• Shoulder wheel
• Training stairs

Sinisikap ng pamunuan ng ospital na bagamat mapanghamon ay patuloy ang pagpapabuti ng paglilingkod para sa Taguigeño. Huwag mag atubiling makinabang sa mga serbisyong nabanggit.

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...