Naghahanap ba kayo ng murang bilihin?

Tara na't samahan kami sa gaganapin na TienDA Malasakit Taguig hatid ng lokal na pamahalaan ng Taguig at ng Department of Agriculture sa darating na ika-14 ng Oktubre (Linggo) mula ala-sais ng umaga sa Lakeshore Parking Grounds sa Barangay Lower Bicutan.

Bukod sa murang bigas, iba't-ibang uri ng gulay, isda, prutas at iba pang lokal na produkto ang maaring niyong bilhin sa presyong mas abot-kaya.

Pwede ka ring bumili sa exhibit na handa ng bawat rehiyon sa Pilipinas na nagpapakita ng mga produkto o specialty na kanilang ipinagmamalaki.
Loading...

Paalala lamang na hindi po maaari ang pagbili ng wholesale at hindi din pwedeng magsama ng mga batang may edad na 10 taong gulang pababa para na rin po sa kanilang kaligtasan.

Kaya't ano pang hinihintay niyo? Hindi masamang maging wais, Taguigeños!

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!

Post a Comment

Previous Post Next Post

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...